THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Huwebes, Oktubre 6, 2011

Entry no. 10- "Para kay Sir Jayson"

Sir jayson,
             
         Maraming salamat po sa mga tinuro nyo po sa amin. Napakagaling nyo po na guro, Napakaswerte ko na kayo ang naging guro ko dahil marami po ako natutunan sa inyo. Sana maging guro ko po ulit kayo sa susunod na sabjek sa filipino. Mamimis ko po kayo sir. lalong lalo na yung mga jokes nyo po.

Hangang dito na lamang po ang aking liham.

Ang inyong estudyante,
Adrian Lorenzo

Entry no. 9- "Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110"

Sa Sabjek na Filipino 110 ay marami ako naranasan na dito ko lamang naranasan katulad ng paggawa ng jornal, ang sarap ng experience sa paggawa nito. dahil dito sa jornal na ito nasasabi ko ang gusto kong sabihin. Sa mga asignatura naman ng sabjek na ito nag enjoy ako sa mga paggawa nito, gaya ng sa pag drawing ng isang larawan  sasabihin ko yung represent ng kulay ng aking ginamit sa drawing sa aking sarili. Naranasan ko rin magreport sa sabjek na ito, napakasarap pala ng nakatayo ka sa harapan tapos pinakikinggan ka ng mga classmate mo, piling ko ako yung bida.hehe. Sa mga susunod na mag Filipino 110, sana maranasan nyo din ang naranasan ko sa sabjek na ito.

Entry no. 8- "Ang Sining ng Aking Pangalan"

Ang aking buhay ay simple lamang
Dito sa mundong ibabaw na ating kinagagalawan
Rarapukin ko ang mga pagsubok ng mundo sa akin
Ito ang mundo ko, simple pero masaya
Andito ako ngayon dahil sa aking mga magulang
Nagpapasalamat ako kay Jesus dahil ginagabayan niya ang pamilya ko.

Martes, Oktubre 4, 2011

Entry no. 7- "SI P-NOY PARA SA MGA PINOY"

Sa ngayon maayos pa naman po yung pamamalakad ni pres. Noynoy, ang reaksyon ko lamang po sana tuparin niya yung mga pangako niya na sinabi sa sona. Tiwala ako na si pres. Noynoy Aquino ang makapag aahon sa kahirapan na dinaranas ng ating bansa. Sana kahit hindi kaagad matutupad yung mga pangako niya, ay gagawin talaga ng pangulo ang ipinangakong pupuksain nito ang corruption sa kanyang administrasyon. Isa ako sa mga Pinoy na naghahangad ng pagbabago sa ating bansa sa ilalim ng administrasyon ni pres. Aquino.

Lunes, Oktubre 3, 2011

Entry no. 6- "ANG AWIT NG AKING BUHAY"

Ang pamagat ng awit ng aking buhay ay Hiling by Silent Sanctuary

Lyrics of Hiling – Silent Sanctuary


Minsan di ko maiwasang isipan ka
Lalo na sa t’wing nag iisa
Ano na kaya balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako
Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika’y wala
(Chorus)
At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo…
Ala ala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan kana kaya, aasa ba sa wala
(Chorus)
At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo
Bridge: (bridge ba tawag d2? hehe ewan)
Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ko lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na…
(Chorus)
At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo



-Hiling ang awit ng aking buhay sobrang malungkot ako kapag may problema ako, kaya lahat ng problema ko ay dinadaan ko na lang sa hiling, na baka sakali na maging maayos ang lahat kapag humiling ako sa mga bituin..Ang korny ko nuh. pero totoo po yan.. salamat po.