THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Linggo, Agosto 7, 2011

Entry no. 2- Ang Aking Pamilya


Ang aming pamilya ay binubuo ng limang miyembro, masaya ang aming pamilya kahit kokonti lang kami dahil ang tunay na pamilya ay hindi dahil sa bilang ng miyembro ng pamilya kundi sa pagmamahalan ng isa't isa sa aming pamilya.

Ang aking ama ay si Willie C. Lorenzo siya po ay isang mapagmahal na ama. Lagi siyang naka suporta sa amin, hindi niya po kami pinapabayaan. Sa lahat ng problema nanjan siya tinutulungan kami at naka suporta.

Ang aking Ina ay si Mary Jane A. Lorenzo siya po ay mahal na mahal po kami, ramdam na ramdam ko dahil sa mga suportang binibigay niya sa akin, sa tuwing my problema ako laging anjan si mama para gabayan ako at magbigay ng payo upang masolusyunan ko ang aking problema.

Ang aking babaeng kapatid ay si Diana Jean A. Lorenzo siya ay malambing na kapatid, hindi siya nakakalimot magpasalubong kapag may pinupuntahan siya, sa katotohanan nga siya pa ang halos palagi nanlilibre sa akin kapag magkasama kami. Sabay kami nag aral ng aking babaeng kapatid kaya naman parehas kaming second year college na, siya ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Pharmacy.

Ang Bunso ko naman na kapatid ay si John Aldrin A. Lorenzo siya ay makulet katulad ko, second year high school na siya, nag aaral po siya sa Dominican High School.
 
Ang huling miyembro ng pamilya namin, syempre Ako po. Hindi na ako magsasabi ng tungkol sa akin, nasa entry no 1 na po ung introduksyon sa sarili ko. 
yan ang aming pamilya, simple lang pero masaya. 
salamat po.

0 (mga) komento: